Masama ba akong tao dahil naiinis ako sa mga ganitong klaseng couple?
1.
R18
Couples. Eto yung mga couple na lantaran kung mag-display ng
affection. Medyo kaya ko pa yung naka-kiss sa pisngi yung isa eh. Pero, [para sa akin] sobra naman kung labi sa labi na. Worse, may
mga iba pa na talagang nasa banyo nag-couple-selfie na parang nakatapis lang
sila. Yung iba natulog kunwari at magkatabi [kayo na nagsiping, kayo na] or nakahalik si boy sa leeg ni
girl, or torrid kiss kasama tonguery [ewww!] Conservative lang ba ako masyado?
I don’t know maybe it’s cultural, Pinoy kasi siguro ako, kaya may ‘ilang’ o ‘awkward’
factor pa. Sa ganang akin, hindi dapat na pino-post pa ‘yang mga ganyan sa
facebook. First, sino’ng netizen ang interesado sa halikan session ninyong
mag-syota? Second, nakakatulong ba sa ibang FB users ang mga ganyang kahalay
[O.A yung term, alam ko] na larawan? Lastly, pag naglaplapan ba kayong
mag-syota at pinicturan nyo ang sarili nyo habang ginagawa nyo ito eh tumitibay
ang relasyon ninyo? Kapag nakakakita ako ng mga ganyang pictures sa FB isa lang
ang naiisip ko, correct me if I’m wrong… comment at the bottom of this… (hehe,
style ko iyan para magka-comment naman ‘tong blog na ‘to); Si girl ganito ang
sinasabi, "eat your hearts out other girls, may nagmamahal sa akin, maganda ako!", si boy naman ganito ang sinasabi, “Ang astig ko kasi napapayag ko ang syota
kong magpahalik sa akin, yeah boy”. Tapos mamamatay ang mga FB friends nila sa
inggit… in-your-dreams! Ang totoo nobody cares about your kissing pictures! Minsan nga nakakadiri lang tingnan eh. I’m not saying dapat wala kayong ganyang
picture [di ko rin sinasabing dapat meron ;-) ] pero I think those kinds of pictures belong to a private album.
2.
Overly
Sweet Couples. Sila ‘yung PDA din pero hindi kasing
bastos ng R18 couples. Medyo conservative sila… ng konti. At hindi sila
nakaka-inis sa pictures. Ang nakaka-inis sa kanila ay mga posts nila. Alam
ninyo ‘yan! Weekly, mababasa mo sa kanilang mga post kung ilang week-sary na
sila. “Happy 123rd Week-sary Beh! [heart] [heart] [heart] [kiss] [kiss]
[kiss]” or “Good morning Baby” or “Kain na Hon, Wag papagutom!” something like that.
SweetGirl: Gud Mowning Baby! <3 <3 <3
SweetBoy: gud morning baby, muxta 2log u? :-* :-* :-*
SweetGirl: Ginip kita, hihihi <3
miss na kita much, wer n u? punta ka na d2, :-(
SweetBoy: K w8 lng d2 lng me s C.R., flush lng aquh,
balik na me jan <3 <3 <3
Like,
frankly, ano’ng paki namin kung mahal na mahal mo 'yang syota mo or kung naka-600 week-sary na kayo? Sa palagay mo ba kinikilig din yung mga readers nyo pag nababasa nila yung ka-sweetan nyo? Nakakasuka kaya! Oo, convinced na kami
mahal mo nga talaga siya, pero hindi mo na kami kailangan paalalahanan
araw-araw na mahal mo ‘yang kasintahan mo. Yung buhay namin ayos pa rin kahit makalimutan naming mahal mo syota mo, huwag mo kaming alalahanin. Sarili mo paalalahanan mo niyan o
kaya siya, huwag kami. Ka-badtrip lang pag nakakabasa ka ng mga ganyang
patusada sa Newsfeed eh. Mas badtrip lalo siyempre pag ‘yung mga sawi sa pag-ibig
o yung mga walang lovelife ang nakabasa ng ganyan. Baka ipakulam pa kayong dalawa.
3. UFC [Ultimate Fighting Couples]. Hay naku! Ang daming ganito sa Facebook.
Kumportableng-kumportable na sila sa net, wala ng mga inhibitions. Sa harap ng
madlang-netizens nagpapalitan ng mga maaanghang na salita. Nagsasabihan ng mga
hindi mo makaing salita gaya ng, ‘Put0-kutc#int@’, ‘£etsug@$ k@’ and the likes. At
talagang yung buong convo ay sagutan lang nila. Nakakahiya. Walang manners.
Bakit? Kapag isiniwalat mo ba kung gaano kalandi ‘yang GF mo, ay siya lang
nasisira? Siyempre sira ka rin, eh, girlfriend mo yan eh… ibig sabihin
iniiputan ka sa ulo ng syota mo, tanga ka. Kapag ipinagkalat mo bang manloloko
o iresponsable yang BF mo ay hindi nahahalata ng mga readers mo na ‘istupida’
ka kasi nagpapaloko or naloko ka. You don’t realize that when you post
something on facebook about your partner it doesn’t only tell something about
him/her but it is also revealing something about who you are as a person. So,
magkaroon ka naman ng konting modo. Watch your words about your loved-one. Bakit ba kasi kung mag-away kayo daig nyo pa ang "War of the Worlds", kung murahin mo syota mo daig pa niya kriminal, pero kayo at kayo pa rin naman pala pagkatapos ng sagutan at bangayan? Akala ko ba malandi siya? Ba't siya pa rin GF mo? Akala ko ba iresponsable siya, o manloloko siya? Eh ba't siya pa rin BF mo? Sa palagay nyo irerespeto ng mga tao yang relasyon nyo? Eh parang isang comedy/action/drama-reality show 'yang relasyon nyo. Mag-isip nga kayong dalawa. Yung iba naman hindi nga nagbabangayan, nagpaparinigan
naman sa facebook. Parehas lang din ‘yon. Yung iba nagtatakutan. Akala ko ba ‘in
a relationship’ kayo? Bakit ‘di kayo mag-usap nang masinsinan? Anong klaseng
relationship ‘yan at hindi kayo makapag-usap patungkol sa relasyon niyo? Ano ba ang gusto mong maging resulta niyang pag-aaway niyo sa net? Makahanap ng
kakampi? Aba’y minsan meron nga din talagang mga tanga rin na nakikisawsaw sa away ng
mag-syota, makiki-comment sa convo; may ‘peace-maker ang peg… “guys, tama na ‘yan!”;
may sulsolera [or pag lalake, uhm, uh… hmmm ang hirap, parang ang bastos,
basta.]… “sige, dapat lang sa kanya ‘yan!”; Ayun, riot na tuloy kinalabasan! Kainis ‘di ba? Or ano ba gusto niyo gawin namin sa mga fighting-posts nyo? I-like? I-share? I-follow? I-comment? Anong comment? Ganito ba? "Go girl! Keep it coming, to hell with your *%£@# BF" ganun? or "Sige pare, banatan mo 'yang maarteng GF mo na 'yan!" Masasaktan din naman 'pag ginanun mo yung syota nila. Kaka-high blood 'di ba? Kasi in the first place hindi winawagwag sa public readers 'yang mga ganyang posts. Ba't di kayo mag-away sa tamang lugar, personal, sa inbox; kaya nga may inbox eh. Ano papatanggal ko na lang 'yang inbox sa Facebook kung parehas din lang naman pala makikita mo sa Newsfeed at Inbox. Gagawin ko 'yon! Wag nyo akong i-dare! ;-)
4.
“Tayong
Dalawa” Couples. Badtrip din ‘tong mga ‘to. Parang sila
lang yung nasa mundo. Kung mag-po-post tungkol lang sa syota niya. Kung mag-u-upload ng
mga photos, tungkol sa pinuntahan NILA, ginawa NILA o kinain lang NILANG dalawa. Yung totoo,
KAYO lang ba tao sa mundo? Hello may mga friends ka, pamilya, kapit-bahay,
ka-trabaho, ka-baranggay at kababayan. Sa kaniya na lang ba umiikot ang mundo mo? Mag-post ka naman tungkol sa ibang bagay. Mag-reflect ka, mag-appreciate ng beauty ng nature... kahit ano huwag lang puro siya or kayo. Puro kayo #withmyLovesee #together4ever #happycouple #missinghim #shestheONE. I say, "Get a life!". Come on ang daming mong mami-miss sa mundo ‘pag ginugol mo ang buong
buhay mo isang taong ‘yan. Kung ayaw mo talaga at desidido kang sa kanya ka
lang talaga nabubuhay at mabubuhay, edi i-unfriend mo lahat ng iba mo pang
friends di ba? Kayong dalawa lang lagi ang nag-uusap. Yung mga posts mo siya
lang ang nag-la-like. Yung post niya ikaw rin lang nagla-like. Comment siya, comment ka, comment ulit siya walang katapusan, to think na kakauwi mo lang galing sa bahay niya. Tapos
pag nag-break kayo tsaka mo hahanapin friends or family mo, and then,
magpo-post ka, “there’s no place like home” o kaya “no one else loves you like
your friends, miss you friends, #barkada4ever” weh!? Akala mo matutuwa mga barkada mo dahil nagkaroon ka na ng time sa kanila, finally? Sarap mong kotongan. Mamukat-mukat mo, pag nagka-syota ulit
isnab na naman ang mundo. Get a life outside that relationship. Mas healthy ‘yan
for both of you. Try it, you won’t regret it.
5.
The
Imaginary Couples. Ito ang pinaka-nakakatawa pero
nakakainis din. Kasi hindi mo alam kung couple ba talaga o hindi. Kasi siya
lang rin naman ang nag-su-sweet-sweetan sa sarili niya. May ghost account na
kini-claim niyang syota niya; in a relationship sila at kakausapin niya ang
sarili sa facebook. Galing noh? Marahil may malalim na dahilan ang taong ito
kung bakit niya ginagawa ito; baka Emotional or Psychological, maybe Historical or Parental, malabo naman siguro kung Dental pero siguro Local.... local-loka lang. Abay, naglalagay din siya ng pictures nila: pero never na together
sila; collage siguro nila pero magkahiwalay sila never na dalawa sila in the same
picture and place. Minsan may mga pasaway na kabarkada, tatanungin tong si Local, "Akala ko ba isasama mo 'yung BF mo?" sasagot yan bigla ng, "Ah?! Hay naku! Biglang nag-out-of-town sila ng family niya, sinasama nga ako eh... kaya lang sabi ko may lakad po kasi ako with my friends eh, uhm ayun!" sabay segue ng "Ay! Napanood niyo na yung......" Lusot. Ang nakakatawa ay yong 'pag nararamdaman na niyang nagdududa na kayo sa katotohanan ng "relasyon" niya or nila, eh bigla na lang siya makikipag-break sa syota/sarili niya. Siyempre iiyak din siya, gaya ng isang tunay na relasyon. Ang sakit siguro nun ano? Ni-reject ka ng sarili mo. Pero huwag ka, mas matibay daw ang ganitong relasyon. Kasi di mo na
kailangang kilalanin pa ang syota mo kasi kilalang-kilala mo na siya. Alam mo na ang mga likes and dislikes niya. Kung sasampalin mo man siya o panggigigilan alam mo kung masakit na o hindi. Ok ka pa sa parents niya. O di ba? Hmmmmm? Pwede! Minsan parang nakaka-temp din gumaya. Pero saka na lang siguro pag talagang
walang-wala na. Ay si-ya.