Sa aking matiyagang pagsasaliksik, pag-aaral sa aking mga sariling karanasan at labis na pangingialam sa mga buhay ng may buhay ay napagtagni-tagni ko ang mga kaparaanan kung paano magwagi sa away na walang habas na sumisira sa mga relasyon sa henerasyong ito. Kaya't ito na ang mga hakbang...
PUMILI NG TAMANG LUGAR. Walang nananalo sa labanang wala sa tamang lugar. Alam mo kung bakit? Mahirap kasi i-declare kung sino talaga ang official na winner pag hindi tama 'yong lugar. Kaya choose a right place. Definitely hindi sa isang public or social na lugar. Of course mag-aaway ba kayo ng GF mo sa loob ng isang mall? Hindi di ba? This includes Facebook or Twitter and/or any other social networking sites. Siyempre social place din ang internet, so huwag kayo mag-away sa mga ganitong lugar. Mga uncivilized lang o walang modo ang nag-aaway sa harap ng maraming tao. Di ba? Kapag hindi ninyo sinunod 'tong unang hakbang na 'to, parehas lang kayong talo... kasi parehas kayong nakakahiya.
LINAWIN ANG MGA BATAS SA PAG-AAWAY NINYO. Ilan sa mga batas na sina-suggest ko ay ang mga sumusunod...
- Pag-usapan lang ang problema NGAYON. Yes, 'yong ngayon lang na issue ang pag-usapan. The past should be in the past. If it has been dealt with at nagpatawaran na sa nakaraan, dapat hindi na hinahalungkat pa ang nakaraan. Why? Because it has nothing to do with the present situation or issue. As tempting as it can be, "Huwag!", otherwise talo ka dahil nabubuhay ka sa nakaraan.
- No hitting below the belt. Walang yurakan ng pagkatao. Siyempre mahal mo 'yang kaaway mo tapos kung murahin mo ganun na lang? Or kung laitin or i-highlight ang kapintasan akala mo parang nasa comedy bar ka lang? Huwag ganun! Kasi 'pag nagkabati kayo mahirap nang pahilumin or bawiin ang mga sugat na idinulot ng mga binitawan nang salita.Sabi nga eh, "Keep your words sweet and soft because someday you might have to eat them".
- One person speaks at a time. Kailangan ko pa ba ipaliwanag 'yan? Kahit sinong matino ang utak at sibilisadong tao kayang ipaliwanag kung bakit importante yang rule na yan.
MAGING SPORT. Kung mali ka, aminin mo at huwag nang dumipensa... mag-sorry ka. Para sa akin OK lang naman mag-sorry kahit wala kang kasalanan, edi mag-sorry ka dahil sa hindi maganda ang nangyayari sa inyong dalawa. There should be no room for pride in relationships. Puwede din naman mag-time out muna para makapag-pahinga kayong dalawa. Maybe when both of have taken a pause mas mare-realize ng isa sa inyo kung sino talaga ang mali OR maybe wala naman talagang mali sa inyong dalawa and everything is just miscommunication or misinterpretation.
Well, ang goal talaga ng blog na ito is not teach you kung paano pakainin ng alikabok ang kaaway mong mahal mo. Kahit na parang ganon ang ini-imply ng title. Actually, pag sinunod ninyo 'yong mga rules na 'yan. PAREHAS KAYONG PANALO. 'Di ba ang saya? :-) Ay si-ya.
Well, ang goal talaga ng blog na ito is not teach you kung paano pakainin ng alikabok ang kaaway mong mahal mo. Kahit na parang ganon ang ini-imply ng title. Actually, pag sinunod ninyo 'yong mga rules na 'yan. PAREHAS KAYONG PANALO. 'Di ba ang saya? :-) Ay si-ya.
No comments:
Post a Comment