Ito talaga ang hindi ko
maintindihan sa paraan ng pagtuturo ng ibang mga teacher eh. Pino-protesta ko
na ‘to high school pa lang ako. Bakit pinag-re-reporting ang mga estudiyante?
Bakit estudiyante ang dapat magtuturo sa kapwa niya estudiyante? Tapos ‘pag
mali ang ni-report mo, pagagalitan ka ng teacher. Teka eh ‘di ba siya naman
dapat ang nagtuturo at hindi estudiyante? Ikaw pa bibilli ng sarili mong manila
paper at pentel pen. Talaga namang kailangan tuwid na tuwid pa ang pagkakasulat
ng report mo. Whew! Grabe kapagod. Anyways, since mukhang hindi na natin
mababago ang kalakarang ‘yan sa eskwelahan natin, sumulat ako ng blog patungkol
dito. Pero hindi tungkol sa kung anong gimik ang dapat gawin para mapaganda ang
report mo kasi alam mo na kung paano gawin ‘yan. Lagyan mo lang maraming
drawing, gawin mo lang makulay ang report mo, lilipad ka na.
Ang topic ko ngayon ay kung paano
magmukhang matalino tuwing may nag-re-report kang classmate. Siyempre hindi
lang dapat si ‘reporter’ ang mag-shine tuwing reporting time. Aba dapat
mag-moment ka rin. Especially kung nasa loob din ng classroom si crush, ‘di ba?
Pero anong gagawin mo eh sadyang nabuburyong ka pagdating sa reporting time?
Buti na lang naandito si Trip Breaker para magbigay ng payo. Para sa mga
estudiyanteng walang pangarap sa buhay, estudiyanteng tambayan lang ang akala
sa school at sa mga estudiyanteng nag-aakalang magiging stepping stone nila ang
pagmo-mall sa pagiging sikat na artista [dahil iniisip nilang madidiscover
sila];pero naghahangad din na magmukhang matalino paminsan-minsan. Ang blog na
ito ay para sa inyo! Make way for … Tips kung pa’no magmukhang matalino kung
may nagrereport sa klase;
Sabayan mo siya sa mga pointers niya. ‘Di ba nakasulat naman yung
mga pointers niya sa manila paper? So ‘pag sasabihin na niya yung point na yun
sabayan mo siya sa pagbasa na parang alam mo talaga kung ano yung sinasabi
niya. ‘Pag ginawa mo yun, hahanga ang mga kaklase mo sa’yo. Ang talino ng
dating mo niyan.
Ulitin mo yung huling sinabi niya, pero dahan-dahan. Start mo yung
sentence mo with mga katagang, “So ang ibig mo bang sabihin ay…” and then saka
mo sabihin nang dahan-dahan ang huling sinabi niya. Iisipin ng mga kaklase mo
talagang nakikinig ka at sinisigurado mo ang mga clarity ng report ng kaklase
mo. Maiimpress mo din si Teacher.
Ipaulit mo sa kanya ang huling sinabi niya. Ang effect ng style na
‘to sa mga kaklase, teacher at crush mo ay halos parehas lang din sa number 2.
Magtaas ka ng kamay at sabihin mong, “Uhm, pwedeng paki-ulit yung sinabi mo
kanina?”. Pag inulit niya, sabihin mong “OK thank you, sige tuloy mo na.” Tapos
kunwari magti-take note ka sa notebook mo. Henyo ang dating mo niyan kasi may
pa-take note take note ka pang nalalaman.
Ask opinion questions. Ito ang pinaka-magpapanganga sa mga kaklase
mo. Magtanong ka ng mga tanong na gaya ng, “Sa palagay mo ano ang implikasyon
ng report mo sa iyo bilang estudiyante?” Wow! ‘Di ba ng henyo ng dating? Mas
effective pa ‘yan kung idadamay mo pa ang pangalan ng school niyo. “Sa palagay
mo, ano ang implikasyon ng report na ‘yan sa ating mga mag-aaral ng Antipolo
National High School? Boom! Tulala sila sa tanong mo. Basta tandaan mo ang mga
keywords, “sa palagay mo” at “implikasyon”. Hinding-hindi ka mamamali sa tanong
na ‘yan dahil kahit anong topic ng report pasok yang tanong na ‘yan.
I-paraphrase mo ang point niya. Kapag ang point niya ay,
“Nakarating ang mga lahing ita sa Pilipinas sa pamamagitan ng lupang tulay”,
mag-butt in ka at saka bumanat ng paraphrase na, “So ang ibig mong sabihin ay
lupang tulay ang ginamit ng mga lahing ita upang makarating sa Pilipinas?”. Oh
‘di ba? Talino ng dating! Hindi mo kailangang humugot pa ng ibang salita sa
dikyunaryo dahil galing din lang sa kanya ang mga sinabi mo. Pero nagmukha ka
na agad matalino.
So there you go. Magmumukhang
matalino ka na sa mga tips na ‘yan. Pagkatapos mong maisagawa ang mga tips na
‘yan you can walk down the school hallway with head held high dahil ang tingin
sa ‘yo ng mga kaklase mo ay isa kang dakilang “henyo”. Ay si-ya.