Monday, May 25, 2015

Pitong Bagay na Ginagawa ng mga Lalake na Kinaiinisan ng mga Babae

Lingid sa kaalamn nating mga kalalakihan ay may mga ginagawa tayong mga lalake na labis na kinaiinisan ng mga babae. Magugulat na lamang tayo manlalamig sila sa atin. Alam mo ba kung bakit? Kasi may mga ginagawa tayong mga lalake that piss them off. Nag-survey ang team ng “TripBreaker” at naka-kalap kami ng pitong mga bagay na ginagawa ng mga lalake na nagpapakulo ng dugo ng mga babae. And here are those seven;

Pagsisinungaling. Ika nga eh, “Honesty is the best policy”. Importante sa mga babae ang katapatan ng isang lalake sa relasyon at kung masisira ito, napakahirap nang ibalik. Kaya kailangan maging totoo ang isang lalake sa bawat pagkakataon. Sabihin kung saan talaga pupunta, sino ang mga kasama o kung ano ang tunay na nararamdaman. Nang sa ganun ay nauunawaan ng mga babae ang tunay na sitwasyon ng mga lalake. Ang problema sa mga lalake, ang hihilig magsabi ng “basta”, “OK lang” o kaya “wala ‘yon!” yun pala’y may problema na. Kaya mga lalake, number one rule: Always as in always say the truth.
Pagsasabi ng totoo. Maramdamin ang mga babae. Minsan ang mga sinasabi nating mga lalake ay nakakasakit ng kanilang damdamin. Halimbawa tatanungin ng babae kung bagay ba sa kanila ang bagong hairstyle nila, walang habas natin itong sasagutin ng “Ang panget! Ano ba ‘yan?! Buhay pa ba gumupit sa’yo?” Hindi natin alam nasasaktan sila sa mga katotohanang sinasabi natin. Huwag ka naman masyadong totoo, pare. Nakakasakit ka ng feelings eh. Alam mo namang feelings ang pinakasensitibong bagay sa mga babae. Kaya pag-aralan kung paano natin hindi masasaktan ang kanilang damdamin. Matuto tayo ng “The Art of Lying”. In other words, "Magsinungaling ka!".
Pagiging madaldal. Likas sa mga babae ang pagiging madaldal. Pero kung ang lalake na ang nagsimulang maging maingay sa relasyon, aba eh medyo mag-isip-isip ka muna; baka you are really a woman trapped in a man’s body. Dapat ang lalake ay minsanan lang magsalita. Trabaho ng mga lalake ang makinig lang sa mga babae. Yes, minsan walang kwenta ang mga reklamo at issues nila pero dapat handa kang makinig… palagi. Because the guys are the girls’ shock absorber. A listening ear is all that the girls need in a relationship.Kaya Guys, shhhhh! Quiet! Shut up! You're helping them a lot.
Pananahimik. Kahit sino namang tao siguro maiinis kapag salita ka ng salita pero yung kausap mo wala man lang ni ‘ha’ ni ‘ho’. Isa rin sa mga kinaiinisan ng mga babae ang pananahimik ng mga lalake. Aba’y magsalita ka naman! Binigyan ka ng bibig para gamitin. Wala ka bang opinion? Magkwento ka kahit ano? How will girls find out what’s in your mind kung tatahi-tahimik ka diyan? Come on! Speak up! Daig mo si Maria Clara. Dumaldal ka naman! Girls just can’t stand quiet men. Sorry. Iiwanan ka ng mga babae pag ganyan ka. Gusto ng mga babae ang lalakeng may kwento, lalakeng makwento.
Pagiging ambisyoso. Arrogant. Yung kung mangarap eh akala mo kung sinong magaling. Hambog. Ayaw din ng mga babae niyan. Boy, dapat alam mo kung ano lang ang kaya mong abutin. Huwag kang maghangad ng hindi mo naman kaya. Konting inom din ng kape para nerbiyosin ka naman. Girls like guys who are humble. 
Kawalan ng pangarap. Ito pa ang isa sa mga kinaiinisan ng mga babae. Ang lalakeng wala o ayaw man lang mangarap. Ano? Hanggang ganyan ka na lang? Wala ka bang ambisyon? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Gusto kasi ng babae ‘yong matapang. Yung may ‘angst’. Yung tipong kahit ang dami nang hindi bilib sa iyo patuloy ka pa ring lumalaban. Yan yung mga hinahangaan ng mga babae; guys who don’t get easily disheartened. Dream on man, yeah!

Pagiging malabo. Ito ang pinaka-kinaiinisan ng mga babae sa lahat. Ang pagiging malabo nating mga lalake. Itigil na natin itong ganitong klaseng pag-uugali. Huwag tayong maging malabo. Huwag tayong “sala sa init, sala sa lamig”. Sabihin natin kung ano talaga ang gusto nating mangyari para hindi nalilito ang mga babae sa atin. Kaya nauuwi sa hiwalayan ang mga relasyon dahil sa kalabuan nating mga lalake. Nalilito tuloy ang mga babae sa atin. ANG LABO KASI NATIN. TAYO TALAGA ANG MALABO. Ay si-ya.

Tuesday, April 14, 2015

Paano Magmukhang Matalino sa “Reporting” sa Classroom.

Ito talaga ang hindi ko maintindihan sa paraan ng pagtuturo ng ibang mga teacher eh. Pino-protesta ko na ‘to high school pa lang ako. Bakit pinag-re-reporting ang mga estudiyante? Bakit estudiyante ang dapat magtuturo sa kapwa niya estudiyante? Tapos ‘pag mali ang ni-report mo, pagagalitan ka ng teacher. Teka eh ‘di ba siya naman dapat ang nagtuturo at hindi estudiyante? Ikaw pa bibilli ng sarili mong manila paper at pentel pen. Talaga namang kailangan tuwid na tuwid pa ang pagkakasulat ng report mo. Whew! Grabe kapagod. Anyways, since mukhang hindi na natin mababago ang kalakarang ‘yan sa eskwelahan natin, sumulat ako ng blog patungkol dito. Pero hindi tungkol sa kung anong gimik ang dapat gawin para mapaganda ang report mo kasi alam mo na kung paano gawin ‘yan. Lagyan mo lang maraming drawing, gawin mo lang makulay ang report mo, lilipad ka na.
Ang topic ko ngayon ay kung paano magmukhang matalino tuwing may nag-re-report kang classmate. Siyempre hindi lang dapat si ‘reporter’ ang mag-shine tuwing reporting time. Aba dapat mag-moment ka rin. Especially kung nasa loob din ng classroom si crush, ‘di ba? Pero anong gagawin mo eh sadyang nabuburyong ka pagdating sa reporting time? Buti na lang naandito si Trip Breaker para magbigay ng payo. Para sa mga estudiyanteng walang pangarap sa buhay, estudiyanteng tambayan lang ang akala sa school at sa mga estudiyanteng nag-aakalang magiging stepping stone nila ang pagmo-mall sa pagiging sikat na artista [dahil iniisip nilang madidiscover sila];pero naghahangad din na magmukhang matalino paminsan-minsan. Ang blog na ito ay para sa inyo! Make way for … Tips kung pa’no magmukhang matalino kung may nagrereport sa klase;

Sabayan mo siya sa mga pointers niya. ‘Di ba nakasulat naman yung mga pointers niya sa manila paper? So ‘pag sasabihin na niya yung point na yun sabayan mo siya sa pagbasa na parang alam mo talaga kung ano yung sinasabi niya. ‘Pag ginawa mo yun, hahanga ang mga kaklase mo sa’yo. Ang talino ng dating mo niyan.

Ulitin mo yung huling sinabi niya, pero dahan-dahan. Start mo yung sentence mo with mga katagang, “So ang ibig mo bang sabihin ay…” and then saka mo sabihin nang dahan-dahan ang huling sinabi niya. Iisipin ng mga kaklase mo talagang nakikinig ka at sinisigurado mo ang mga clarity ng report ng kaklase mo. Maiimpress mo din si Teacher.

Ipaulit mo sa kanya ang huling sinabi niya. Ang effect ng style na ‘to sa mga kaklase, teacher at crush mo ay halos parehas lang din sa number 2. Magtaas ka ng kamay at sabihin mong, “Uhm, pwedeng paki-ulit yung sinabi mo kanina?”. Pag inulit niya, sabihin mong “OK thank you, sige tuloy mo na.” Tapos kunwari magti-take note ka sa notebook mo. Henyo ang dating mo niyan kasi may pa-take note take note ka pang nalalaman.

Ask opinion questions. Ito ang pinaka-magpapanganga sa mga kaklase mo. Magtanong ka ng mga tanong na gaya ng, “Sa palagay mo ano ang implikasyon ng report mo sa iyo bilang estudiyante?” Wow! ‘Di ba ng henyo ng dating? Mas effective pa ‘yan kung idadamay mo pa ang pangalan ng school niyo. “Sa palagay mo, ano ang implikasyon ng report na ‘yan sa ating mga mag-aaral ng Antipolo National High School? Boom! Tulala sila sa tanong mo. Basta tandaan mo ang mga keywords, “sa palagay mo” at “implikasyon”. Hinding-hindi ka mamamali sa tanong na ‘yan dahil kahit anong topic ng report pasok yang tanong na ‘yan.

I-paraphrase mo ang point niya. Kapag ang point niya ay, “Nakarating ang mga lahing ita sa Pilipinas sa pamamagitan ng lupang tulay”, mag-butt in ka at saka bumanat ng paraphrase na, “So ang ibig mong sabihin ay lupang tulay ang ginamit ng mga lahing ita upang makarating sa Pilipinas?”. Oh ‘di ba? Talino ng dating! Hindi mo kailangang humugot pa ng ibang salita sa dikyunaryo dahil galing din lang sa kanya ang mga sinabi mo. Pero nagmukha ka na agad matalino.

So there you go. Magmumukhang matalino ka na sa mga tips na ‘yan. Pagkatapos mong maisagawa ang mga tips na ‘yan you can walk down the school hallway with head held high dahil ang tingin sa ‘yo ng mga kaklase mo ay isa kang dakilang “henyo”. Ay si-ya.