Monday, May 25, 2015

Pitong Bagay na Ginagawa ng mga Lalake na Kinaiinisan ng mga Babae

Lingid sa kaalamn nating mga kalalakihan ay may mga ginagawa tayong mga lalake na labis na kinaiinisan ng mga babae. Magugulat na lamang tayo manlalamig sila sa atin. Alam mo ba kung bakit? Kasi may mga ginagawa tayong mga lalake that piss them off. Nag-survey ang team ng “TripBreaker” at naka-kalap kami ng pitong mga bagay na ginagawa ng mga lalake na nagpapakulo ng dugo ng mga babae. And here are those seven;

Pagsisinungaling. Ika nga eh, “Honesty is the best policy”. Importante sa mga babae ang katapatan ng isang lalake sa relasyon at kung masisira ito, napakahirap nang ibalik. Kaya kailangan maging totoo ang isang lalake sa bawat pagkakataon. Sabihin kung saan talaga pupunta, sino ang mga kasama o kung ano ang tunay na nararamdaman. Nang sa ganun ay nauunawaan ng mga babae ang tunay na sitwasyon ng mga lalake. Ang problema sa mga lalake, ang hihilig magsabi ng “basta”, “OK lang” o kaya “wala ‘yon!” yun pala’y may problema na. Kaya mga lalake, number one rule: Always as in always say the truth.
Pagsasabi ng totoo. Maramdamin ang mga babae. Minsan ang mga sinasabi nating mga lalake ay nakakasakit ng kanilang damdamin. Halimbawa tatanungin ng babae kung bagay ba sa kanila ang bagong hairstyle nila, walang habas natin itong sasagutin ng “Ang panget! Ano ba ‘yan?! Buhay pa ba gumupit sa’yo?” Hindi natin alam nasasaktan sila sa mga katotohanang sinasabi natin. Huwag ka naman masyadong totoo, pare. Nakakasakit ka ng feelings eh. Alam mo namang feelings ang pinakasensitibong bagay sa mga babae. Kaya pag-aralan kung paano natin hindi masasaktan ang kanilang damdamin. Matuto tayo ng “The Art of Lying”. In other words, "Magsinungaling ka!".
Pagiging madaldal. Likas sa mga babae ang pagiging madaldal. Pero kung ang lalake na ang nagsimulang maging maingay sa relasyon, aba eh medyo mag-isip-isip ka muna; baka you are really a woman trapped in a man’s body. Dapat ang lalake ay minsanan lang magsalita. Trabaho ng mga lalake ang makinig lang sa mga babae. Yes, minsan walang kwenta ang mga reklamo at issues nila pero dapat handa kang makinig… palagi. Because the guys are the girls’ shock absorber. A listening ear is all that the girls need in a relationship.Kaya Guys, shhhhh! Quiet! Shut up! You're helping them a lot.
Pananahimik. Kahit sino namang tao siguro maiinis kapag salita ka ng salita pero yung kausap mo wala man lang ni ‘ha’ ni ‘ho’. Isa rin sa mga kinaiinisan ng mga babae ang pananahimik ng mga lalake. Aba’y magsalita ka naman! Binigyan ka ng bibig para gamitin. Wala ka bang opinion? Magkwento ka kahit ano? How will girls find out what’s in your mind kung tatahi-tahimik ka diyan? Come on! Speak up! Daig mo si Maria Clara. Dumaldal ka naman! Girls just can’t stand quiet men. Sorry. Iiwanan ka ng mga babae pag ganyan ka. Gusto ng mga babae ang lalakeng may kwento, lalakeng makwento.
Pagiging ambisyoso. Arrogant. Yung kung mangarap eh akala mo kung sinong magaling. Hambog. Ayaw din ng mga babae niyan. Boy, dapat alam mo kung ano lang ang kaya mong abutin. Huwag kang maghangad ng hindi mo naman kaya. Konting inom din ng kape para nerbiyosin ka naman. Girls like guys who are humble. 
Kawalan ng pangarap. Ito pa ang isa sa mga kinaiinisan ng mga babae. Ang lalakeng wala o ayaw man lang mangarap. Ano? Hanggang ganyan ka na lang? Wala ka bang ambisyon? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Gusto kasi ng babae ‘yong matapang. Yung may ‘angst’. Yung tipong kahit ang dami nang hindi bilib sa iyo patuloy ka pa ring lumalaban. Yan yung mga hinahangaan ng mga babae; guys who don’t get easily disheartened. Dream on man, yeah!

Pagiging malabo. Ito ang pinaka-kinaiinisan ng mga babae sa lahat. Ang pagiging malabo nating mga lalake. Itigil na natin itong ganitong klaseng pag-uugali. Huwag tayong maging malabo. Huwag tayong “sala sa init, sala sa lamig”. Sabihin natin kung ano talaga ang gusto nating mangyari para hindi nalilito ang mga babae sa atin. Kaya nauuwi sa hiwalayan ang mga relasyon dahil sa kalabuan nating mga lalake. Nalilito tuloy ang mga babae sa atin. ANG LABO KASI NATIN. TAYO TALAGA ANG MALABO. Ay si-ya.

Tuesday, April 14, 2015

Paano Magmukhang Matalino sa “Reporting” sa Classroom.

Ito talaga ang hindi ko maintindihan sa paraan ng pagtuturo ng ibang mga teacher eh. Pino-protesta ko na ‘to high school pa lang ako. Bakit pinag-re-reporting ang mga estudiyante? Bakit estudiyante ang dapat magtuturo sa kapwa niya estudiyante? Tapos ‘pag mali ang ni-report mo, pagagalitan ka ng teacher. Teka eh ‘di ba siya naman dapat ang nagtuturo at hindi estudiyante? Ikaw pa bibilli ng sarili mong manila paper at pentel pen. Talaga namang kailangan tuwid na tuwid pa ang pagkakasulat ng report mo. Whew! Grabe kapagod. Anyways, since mukhang hindi na natin mababago ang kalakarang ‘yan sa eskwelahan natin, sumulat ako ng blog patungkol dito. Pero hindi tungkol sa kung anong gimik ang dapat gawin para mapaganda ang report mo kasi alam mo na kung paano gawin ‘yan. Lagyan mo lang maraming drawing, gawin mo lang makulay ang report mo, lilipad ka na.
Ang topic ko ngayon ay kung paano magmukhang matalino tuwing may nag-re-report kang classmate. Siyempre hindi lang dapat si ‘reporter’ ang mag-shine tuwing reporting time. Aba dapat mag-moment ka rin. Especially kung nasa loob din ng classroom si crush, ‘di ba? Pero anong gagawin mo eh sadyang nabuburyong ka pagdating sa reporting time? Buti na lang naandito si Trip Breaker para magbigay ng payo. Para sa mga estudiyanteng walang pangarap sa buhay, estudiyanteng tambayan lang ang akala sa school at sa mga estudiyanteng nag-aakalang magiging stepping stone nila ang pagmo-mall sa pagiging sikat na artista [dahil iniisip nilang madidiscover sila];pero naghahangad din na magmukhang matalino paminsan-minsan. Ang blog na ito ay para sa inyo! Make way for … Tips kung pa’no magmukhang matalino kung may nagrereport sa klase;

Sabayan mo siya sa mga pointers niya. ‘Di ba nakasulat naman yung mga pointers niya sa manila paper? So ‘pag sasabihin na niya yung point na yun sabayan mo siya sa pagbasa na parang alam mo talaga kung ano yung sinasabi niya. ‘Pag ginawa mo yun, hahanga ang mga kaklase mo sa’yo. Ang talino ng dating mo niyan.

Ulitin mo yung huling sinabi niya, pero dahan-dahan. Start mo yung sentence mo with mga katagang, “So ang ibig mo bang sabihin ay…” and then saka mo sabihin nang dahan-dahan ang huling sinabi niya. Iisipin ng mga kaklase mo talagang nakikinig ka at sinisigurado mo ang mga clarity ng report ng kaklase mo. Maiimpress mo din si Teacher.

Ipaulit mo sa kanya ang huling sinabi niya. Ang effect ng style na ‘to sa mga kaklase, teacher at crush mo ay halos parehas lang din sa number 2. Magtaas ka ng kamay at sabihin mong, “Uhm, pwedeng paki-ulit yung sinabi mo kanina?”. Pag inulit niya, sabihin mong “OK thank you, sige tuloy mo na.” Tapos kunwari magti-take note ka sa notebook mo. Henyo ang dating mo niyan kasi may pa-take note take note ka pang nalalaman.

Ask opinion questions. Ito ang pinaka-magpapanganga sa mga kaklase mo. Magtanong ka ng mga tanong na gaya ng, “Sa palagay mo ano ang implikasyon ng report mo sa iyo bilang estudiyante?” Wow! ‘Di ba ng henyo ng dating? Mas effective pa ‘yan kung idadamay mo pa ang pangalan ng school niyo. “Sa palagay mo, ano ang implikasyon ng report na ‘yan sa ating mga mag-aaral ng Antipolo National High School? Boom! Tulala sila sa tanong mo. Basta tandaan mo ang mga keywords, “sa palagay mo” at “implikasyon”. Hinding-hindi ka mamamali sa tanong na ‘yan dahil kahit anong topic ng report pasok yang tanong na ‘yan.

I-paraphrase mo ang point niya. Kapag ang point niya ay, “Nakarating ang mga lahing ita sa Pilipinas sa pamamagitan ng lupang tulay”, mag-butt in ka at saka bumanat ng paraphrase na, “So ang ibig mong sabihin ay lupang tulay ang ginamit ng mga lahing ita upang makarating sa Pilipinas?”. Oh ‘di ba? Talino ng dating! Hindi mo kailangang humugot pa ng ibang salita sa dikyunaryo dahil galing din lang sa kanya ang mga sinabi mo. Pero nagmukha ka na agad matalino.

So there you go. Magmumukhang matalino ka na sa mga tips na ‘yan. Pagkatapos mong maisagawa ang mga tips na ‘yan you can walk down the school hallway with head held high dahil ang tingin sa ‘yo ng mga kaklase mo ay isa kang dakilang “henyo”. Ay si-ya.


Sunday, March 30, 2014

Paano Manalo sa Away Mag-Syota? Part 2

Heto na ang pinakahihintay ninyo. Ang tanong ng bayan, tanong ng lahat ng mga kalalakihan. Tanong na pilit sinasagot ng lahat ng mga love-counselors sa mga FM radio station subalit bigo silang sagutin... sapagkat sa blog lamang na ito ninyo masusumpungan ang kasagutan sa tanong na: Paano manalo sa away mag-syota?
Sa aking matiyagang pagsasaliksik, pag-aaral sa aking mga sariling karanasan at labis na pangingialam sa mga buhay ng may buhay ay napagtagni-tagni ko ang mga kaparaanan kung paano magwagi sa away na walang habas na sumisira sa mga relasyon sa henerasyong ito. Kaya't ito na ang mga hakbang...

PUMILI NG TAMANG LUGAR. Walang nananalo sa labanang wala sa tamang lugar. Alam mo kung bakit? Mahirap kasi i-declare kung sino talaga ang official na winner pag hindi tama 'yong lugar. Kaya choose a right place. Definitely hindi sa isang public or social na lugar. Of course mag-aaway ba kayo ng GF mo sa loob ng isang mall? Hindi di ba? This includes Facebook or Twitter and/or any other social networking sites. Siyempre social place din ang internet, so huwag kayo mag-away sa mga ganitong lugar. Mga uncivilized lang o walang modo ang nag-aaway sa harap ng maraming tao. Di ba? Kapag hindi ninyo sinunod 'tong unang hakbang na 'to, parehas lang kayong talo... kasi parehas kayong nakakahiya.

LINAWIN ANG MGA BATAS SA PAG-AAWAY NINYO. Ilan sa mga batas na sina-suggest ko ay ang mga sumusunod...

  1. Pag-usapan lang ang problema NGAYON. Yes, 'yong ngayon lang na issue ang pag-usapan. The past should be in the past. If it has been dealt with at nagpatawaran  na sa nakaraan, dapat hindi na hinahalungkat pa ang nakaraan. Why? Because it has nothing to do with the present situation or issue. As tempting as it can be, "Huwag!", otherwise talo ka dahil nabubuhay ka sa nakaraan. 
  2. No hitting below the belt. Walang yurakan ng pagkatao. Siyempre mahal mo 'yang kaaway mo tapos kung murahin mo ganun na lang? Or kung laitin or i-highlight ang kapintasan akala mo parang nasa comedy bar ka lang? Huwag ganun! Kasi 'pag nagkabati kayo mahirap nang pahilumin or bawiin ang mga sugat na idinulot ng mga binitawan nang salita.Sabi nga eh, "Keep your words sweet and soft because someday you might have to eat them".
  3. One person speaks at a time. Kailangan ko pa ba ipaliwanag 'yan? Kahit sinong matino ang utak at sibilisadong tao kayang ipaliwanag kung bakit importante yang rule na yan.
MAGING SPORT. Kung mali ka, aminin mo at huwag nang dumipensa... mag-sorry ka. Para sa akin OK lang naman mag-sorry kahit wala kang kasalanan, edi mag-sorry ka dahil sa hindi maganda ang nangyayari sa inyong dalawa. There should be no room for pride in relationships. Puwede din naman mag-time out muna para makapag-pahinga kayong dalawa. Maybe when both of have taken a pause mas mare-realize ng isa sa inyo kung sino talaga ang mali  OR maybe wala naman talagang mali sa inyong dalawa and everything is just miscommunication or misinterpretation.

Well, ang goal talaga ng blog na ito is not teach you kung paano pakainin ng alikabok ang kaaway mong mahal mo. Kahit na parang ganon ang ini-imply ng title. Actually, pag sinunod ninyo 'yong mga rules na 'yan. PAREHAS KAYONG PANALO. 'Di ba ang saya? :-) Ay si-ya.



Friday, March 21, 2014

Paano Manalo sa Away-Magsyota? Part 1

BF tahimik sa isang sulok. Dadating si GF.
GF: Ano iniisip mo?
BF: Wala.
GF: Nagmumukmok ka diyan, tapos wala kang iniisip?
BF: Wala nga ako iniisip na kung anumang bagay.
GF: Ganun? So hindi ‘bagay’ ang iniisip mo. Eh ‘sino’ ang iniisip mo?
BF: Huh!? Anong pinagsasabi mo? Tumigil ka nga diyan.
GF: Bakit ayaw mong sagutin ‘yung tanong ko?
BF: Nag-uumpisa ka na naman diyan huh.
GF: Huh!? Anong inuumpisahan?
BF: Away, ano pa ba?
GF: Away?!? Nagtatanong lang ako. Away na agad? Bakit may dapat bang pag-awayan? Tapatin mo nga ako, ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO??!!

Cut! Okay alam mo na kung ano ang susunod na eksena. Walang humpay na palitan ng mga mapanakit at mapanghusgang mga pananalita. At iikot ng iikot ang usapan at hanggang sa magsigawan and then hell breaks loose. Naranasan mo na ba ‘yan? Nakakainis di ba? Bakit ba kasi kung sino pa yung taong pinakamamahal mo, siya pa yung lagi mong kabangayan? Guys...., actually ang blog na ito ay para lang sana sa mga lalake. Oops! Girls sorry di ko nasabi sa umpisa pa lang… pero sige since naumpisahan mo nang basahin, ituloy mo na may makukuha ka pa rin naman dito kahit papa’no. Anyway, guys, para sa ilang mga babae palatandaan DAW [DAW take note, DAW] ng isang matibay na relasyon ang pag-aaway ng magsyota. Ewan ko ba kung saan dako ng impiyerno nila nakuha ‘yang pamahiin na ‘yan. Pero sige irespeto na lang natin sila sa paniniwalang ‘yan. Ang kailangan nating malaman ngayon ay kung paano manalo sa away-magsyota. Dahil aminin na nating mga lalake na sa tuwing nag-aaway ang mag-syota ang babae palagi ang nananalo. Kung hindi man sila panalo ay sila lagi ang tama. Hindi ba girls? Kaya nga sa kanta ni Beyonce, ang mga boys ay sinasabihan niyang ‘to the left, to the left’ kasi ang mga babae ay ‘always right’. Bakit kaya ganun? Nagtataka ka rin ba? Several reasons:

Reason #1: Tuwing nag-aaway, girls lagi ang umiiyak. So parang sila ang inapi at na-taken advantage of. Kahit na ba sanay na sanay na sila umiyak at emotional manipulation na lang ang nangyayari, sila pa rin ang paniniwalaan at makakakuha ng sympathy. Our soceity have somehow developed a bias for women when it comes to relationship conflicts. Pansin nyo recently lang at bihira lang i-promote ang tungkol sa 'Men's Right'? Notice this, pag ang lalake sinigawan or sinaktan ang babae, 'rude' ang tingin sa kanya; pero kung ang babae ang sumigaw at nanakit sa lalake, ang tingin sa kanya, 'brave', 'way to go girl!' and guess what? Si lalake ay nagmumukhang 'weak', 'under' or 'maybe-may-kalokohang-ginawa'. This generation have empowered women so much that it's getting out of control. It's funny how some women demand equal rights or treatment with men, pero pag nasa LRT or the likes ay nagagalit sila when men would not stand up to offer a seat for them. Akala ko ba equal rights? Nangangawit din naman ang lalake sa pagtayo ah. If girls want to be treated as girls they should stop competing with boys, and vice versa. Kasi kahit kailan walang 'inequality' na nangyari. It's just that men and women are different from each other. No one is better than the other.

Reason #2: Boys don't feel the need to tell. After  the 'away' ang boys sinasarili lang ang problema or kung iinom man with the barkada, pero di sasabihin ang reason ng pinag-awayan. The girls however, need someone to talk to. There's nothing wrong with that, hindi kasi kaya ng girls na i-keep lang for themselves yong pain. They must tell it to someone in full detail. The problem is sometimes 'yong pinagsabihan niya. So after the ‘away’ i-expect mo na, pag nasalubong mo yong bestfriend niya ay pagsasabihan ka niya ng ‘Oy! Kumusta na kayo? Ikaw naman kasi bakit mo naman kasi ginawa yong…..’ and then after a few days, asahan mong sasabihin sa’yo ng barkada mo na, ‘Pare, kaya naman pala kayo nag-away ng GF mo ay dahil sa……..’ Hindi mo naman binanggit ang dahilan ng away niyo during inuman session pero nalaman ni dabarkads. Alam mo kung bakit? Kasi kinuwento ng girlfriend mo sa bestfriend niya na kinuwento naman nung bestfriend na yun sa mga close friends niya at nagkataon naman na yong GF ng barkada mo ay napadaan lang sa table na pinagkakainan ng mga babaeng yon. At narinig ang usapan tungkol sa ginawa mo. Ganun 'yon.

Reason #3: Mas madaling maka-tanda ng mistakes ang babae kaysa sa lalake. Pag nag-aaway na ang secret weapon nila ay i-time travel ka at ipa-alala sa ‘yo ang mga mali at pagkukulang mo noong way way back buhay pa ang mga dinosaur. Ikaw naman, habang nag-aaway oblivious sa mga pagkukulang at kasalanan niya. Why? Hindi mo kasi talaga kaya. Babae lang ang may gift na ganun [gift ba o curse?]. Siguro kasi para sa boys 'past is past'. Sa babae past is also present and future it is also present-progressive, past-participle, punctuation mark, preposition at higit sa lahat... ito rin ay panlapi, gitlapi at hulapi. And again, there's nothing wrong with these differences, it's how we handle it.

Reason #4: Boys CAN afford to be wrong. Hahaha. Natawa naman ako bigla. Wala lang. Basta. Mahirap i-explain. Ang sarap ulit-ulitin. WE CAN AFFORD TO BE WRONG. Girl, kung di mo kayang tanggapin, hanap ka na muna ibang topic. Balik ka na lang sa next issue.

Ngayong alam na natin kung bakit sila palagi ang nanalo, puwede na tayong mag-device ng isang secret formula para ipanalo ang bawat laban. Bwahaha. Pero sa next issue ko na sasabihin. Wala na kasing time. Ay si-ya.


Friday, March 14, 2014

5 Nakaka-Badtrip na Couples sa Facebook

Masama ba akong tao dahil naiinis ako sa mga ganitong klaseng couple?
1.      R18 Couples. Eto yung mga couple na lantaran kung mag-display ng affection. Medyo kaya ko pa yung naka-kiss sa pisngi yung isa eh. Pero, [para sa akin] sobra naman kung labi sa labi na. Worse, may mga iba pa na talagang nasa banyo nag-couple-selfie na parang nakatapis lang sila. Yung iba natulog kunwari at magkatabi [kayo na nagsiping, kayo na] or nakahalik si boy sa leeg ni girl, or torrid kiss kasama tonguery [ewww!] Conservative lang ba ako masyado? I don’t know maybe it’s cultural, Pinoy kasi siguro ako, kaya may ‘ilang’ o ‘awkward’ factor pa. Sa ganang akin, hindi dapat na pino-post pa ‘yang mga ganyan sa facebook. First, sino’ng netizen ang interesado sa halikan session ninyong mag-syota? Second, nakakatulong ba sa ibang FB users ang mga ganyang kahalay [O.A yung term, alam ko] na larawan? Lastly, pag naglaplapan ba kayong mag-syota at pinicturan nyo ang sarili nyo habang ginagawa nyo ito eh tumitibay ang relasyon ninyo? Kapag nakakakita ako ng mga ganyang pictures sa FB isa lang ang naiisip ko, correct me if I’m wrong… comment at the bottom of this… (hehe, style ko iyan para magka-comment naman ‘tong blog na ‘to); Si girl ganito ang sinasabi, "eat your hearts out other girls, may nagmamahal sa akin, maganda ako!", si boy naman ganito ang sinasabi,Ang astig ko kasi napapayag ko ang syota kong magpahalik sa akin, yeah boy”. Tapos mamamatay ang mga FB friends nila sa inggit… in-your-dreams! Ang totoo nobody cares about your kissing pictures! Minsan nga nakakadiri lang tingnan eh. I’m not saying dapat wala kayong ganyang picture [di ko rin sinasabing dapat meron ;-) ] pero I think those kinds of pictures belong to a private album.
2.      Overly Sweet Couples.  Sila ‘yung PDA din pero hindi kasing bastos ng R18 couples. Medyo conservative sila… ng konti. At hindi sila nakaka-inis sa pictures. Ang nakaka-inis sa kanila ay mga posts nila. Alam ninyo ‘yan! Weekly, mababasa mo sa kanilang mga post kung ilang week-sary na sila. “Happy 123rd Week-sary Beh! [heart] [heart] [heart] [kiss] [kiss] [kiss]” or “Good morning Baby” or “Kain na Hon, Wag papagutom!” something like that.

       SweetGirl: Gud Mowning Baby! <3 <3 <3
      SweetBoy: gud morning baby, muxta 2log u? :-* :-* :-*
      SweetGirl: Ginip kita, hihihi <3
                      miss na kita much, wer n u? punta ka na d2, :-(
      SweetBoy: K w8 lng d2 lng me s C.R., flush lng aquh,
                      balik na me jan <3 <3 <3

Like, frankly, ano’ng paki namin kung mahal na mahal mo 'yang syota mo or kung naka-600 week-sary na kayo? Sa palagay mo ba kinikilig din yung mga readers nyo pag nababasa nila yung ka-sweetan nyo? Nakakasuka kaya! Oo, convinced na kami mahal mo nga talaga siya, pero hindi mo na kami kailangan paalalahanan araw-araw na mahal mo ‘yang kasintahan mo. Yung buhay namin ayos pa rin kahit makalimutan naming mahal mo syota mo, huwag mo kaming alalahanin. Sarili mo paalalahanan mo niyan o kaya siya, huwag kami.  Ka-badtrip lang pag nakakabasa ka ng mga ganyang patusada sa Newsfeed eh. Mas badtrip lalo siyempre pag ‘yung mga sawi sa pag-ibig o yung mga walang lovelife ang nakabasa ng ganyan. Baka ipakulam pa kayong dalawa.
3.      UFC [Ultimate Fighting Couples]. Hay naku! Ang daming ganito sa Facebook. Kumportableng-kumportable na sila sa net, wala ng mga inhibitions. Sa harap ng madlang-netizens nagpapalitan ng mga maaanghang na salita. Nagsasabihan ng mga hindi mo makaing salita gaya ng, ‘Put0-kutc#int@’, ‘£etsug@$ k@’ and the likes. At talagang yung buong convo ay sagutan lang nila. Nakakahiya. Walang manners. Bakit? Kapag isiniwalat mo ba kung gaano kalandi ‘yang GF mo, ay siya lang nasisira? Siyempre sira ka rin, eh, girlfriend mo yan eh… ibig sabihin iniiputan ka sa ulo ng syota mo, tanga ka. Kapag ipinagkalat mo bang manloloko o iresponsable yang BF mo ay hindi nahahalata ng mga readers mo na ‘istupida’ ka kasi nagpapaloko or naloko ka. You don’t realize that when you post something on facebook about your partner it doesn’t only tell something about him/her but it is also revealing something about who you are as a person. So, magkaroon ka naman ng konting modo. Watch your words about your loved-one. Bakit ba kasi kung mag-away kayo daig nyo pa ang "War of the Worlds", kung murahin mo syota mo daig pa niya kriminal, pero kayo at kayo pa rin naman pala pagkatapos ng sagutan at bangayan? Akala ko ba malandi siya? Ba't siya pa rin GF mo? Akala ko ba iresponsable siya, o manloloko siya? Eh ba't siya pa rin BF mo? Sa palagay nyo irerespeto ng mga tao yang relasyon nyo? Eh parang isang comedy/action/drama-reality show 'yang relasyon nyo. Mag-isip nga kayong dalawa. Yung iba naman hindi nga nagbabangayan, nagpaparinigan naman sa facebook. Parehas lang din ‘yon. Yung iba nagtatakutan. Akala ko ba ‘in a relationship’ kayo? Bakit ‘di kayo mag-usap nang masinsinan? Anong klaseng relationship ‘yan at hindi kayo makapag-usap patungkol sa relasyon niyo? Ano ba ang gusto mong maging resulta niyang pag-aaway niyo sa net? Makahanap ng kakampi? Aba’y minsan meron nga din talagang  mga tanga rin na nakikisawsaw sa away ng mag-syota, makiki-comment sa convo; may ‘peace-maker ang peg… “guys, tama na ‘yan!”; may sulsolera [or pag lalake, uhm, uh… hmmm ang hirap, parang ang bastos, basta.]… “sige, dapat lang sa kanya ‘yan!”; Ayun, riot na tuloy kinalabasan! Kainis ‘di ba? Or ano ba gusto niyo gawin namin sa mga fighting-posts nyo? I-like? I-share? I-follow? I-comment? Anong comment? Ganito ba? "Go girl! Keep it coming, to hell with your *%£@# BF" ganun? or "Sige pare, banatan mo 'yang maarteng GF mo na 'yan!" Masasaktan din naman 'pag ginanun mo yung syota nila. Kaka-high blood 'di ba? Kasi in the first place hindi winawagwag sa public readers 'yang mga ganyang posts. Ba't di kayo mag-away sa tamang lugar, personal, sa inbox; kaya nga may inbox eh. Ano papatanggal ko na lang 'yang inbox sa Facebook kung parehas din lang naman pala makikita mo sa Newsfeed at Inbox. Gagawin ko 'yon! Wag nyo akong i-dare! ;-)
4.      “Tayong Dalawa” Couples. Badtrip din ‘tong mga ‘to. Parang sila lang yung nasa mundo. Kung mag-po-post tungkol lang sa syota niya. Kung mag-u-upload ng mga photos, tungkol sa pinuntahan NILA, ginawa NILA o kinain lang NILANG dalawa. Yung totoo, KAYO lang ba tao sa mundo? Hello may mga friends ka, pamilya, kapit-bahay, ka-trabaho, ka-baranggay at kababayan. Sa kaniya na lang ba umiikot ang mundo mo? Mag-post ka naman tungkol sa ibang bagay. Mag-reflect ka, mag-appreciate ng beauty ng nature... kahit ano huwag lang puro siya or kayo. Puro kayo #withmyLovesee #together4ever #happycouple #missinghim #shestheONE. I say, "Get a life!". Come on ang daming mong mami-miss sa mundo ‘pag ginugol mo ang buong buhay mo isang taong ‘yan. Kung ayaw mo talaga at desidido kang sa kanya ka lang talaga nabubuhay at mabubuhay, edi i-unfriend mo lahat ng iba mo pang friends di ba? Kayong dalawa lang lagi ang nag-uusap. Yung mga posts mo siya lang ang nag-la-like. Yung post niya ikaw rin lang nagla-like. Comment siya, comment ka, comment ulit siya walang katapusan, to think na kakauwi mo lang galing sa bahay niya. Tapos pag nag-break kayo tsaka mo hahanapin friends or family mo, and then, magpo-post ka, “there’s no place like home” o kaya “no one else loves you like your friends, miss you friends, #barkada4ever”  weh!? Akala mo matutuwa mga barkada mo dahil nagkaroon ka na ng time sa kanila, finally? Sarap mong kotongan. Mamukat-mukat mo, pag nagka-syota ulit isnab na naman ang mundo. Get a life outside that relationship. Mas healthy ‘yan for both of you. Try it, you won’t regret it.
5.      The Imaginary Couples. Ito ang pinaka-nakakatawa pero nakakainis din. Kasi hindi mo alam kung couple ba talaga o hindi. Kasi siya lang rin naman ang nag-su-sweet-sweetan sa sarili niya. May ghost account na kini-claim niyang syota niya; in a relationship sila at kakausapin niya ang sarili sa facebook. Galing noh? Marahil may malalim na dahilan ang taong ito kung bakit niya ginagawa ito; baka Emotional or Psychological, maybe Historical or Parental, malabo naman siguro kung Dental pero siguro Local.... local-loka lang. Abay, naglalagay din siya ng pictures nila: pero never na together sila; collage siguro nila pero magkahiwalay sila never na dalawa sila in the same picture and place. Minsan may mga pasaway na kabarkada, tatanungin tong si Local, "Akala ko ba isasama mo 'yung BF mo?" sasagot yan bigla ng, "Ah?! Hay naku! Biglang nag-out-of-town sila ng family niya, sinasama nga ako eh... kaya lang sabi ko may lakad po kasi ako with my friends eh, uhm ayun!" sabay segue ng "Ay! Napanood niyo na yung......"  Lusot. Ang nakakatawa ay yong 'pag nararamdaman na niyang nagdududa na kayo sa katotohanan ng "relasyon" niya or nila, eh bigla na lang siya makikipag-break sa syota/sarili niya. Siyempre iiyak din siya, gaya ng isang tunay na relasyon. Ang sakit siguro nun ano? Ni-reject ka ng sarili mo. Pero huwag ka, mas matibay daw ang ganitong relasyon. Kasi di mo na kailangang kilalanin pa ang syota mo kasi kilalang-kilala mo na siya. Alam mo na ang mga likes and dislikes niya. Kung sasampalin mo man siya o panggigigilan alam mo kung masakit na o hindi. Ok ka pa sa parents niya. O di ba? Hmmmmm? Pwede! Minsan parang nakaka-temp din gumaya. Pero saka na lang siguro pag talagang walang-wala na. Ay si-ya.



Saturday, March 8, 2014

'Pag Akala Niya Prinsesa Siya: The Princess-Treatment Complex

Madalas mong maririnig na reklamo ng mga babae sa kanilang boyfriend, “‘di man lang siya nag-e-effort”. Teka nga muna, alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng effort in the first place. Ano ba ang effort para sa’yo? Yun bang everyday ‘paggising mo naando'n siya banda sa may bintana na naka-white t-shirt at may hawak na gitara, kinakantahan ka ng love song, habang may kagat-kagat na rosas at tumutugtog din ng harmonica at the same time, tapos ‘pag tapak mo sa sahig may mga petals ng rosas at ang bango-bango ng paligid and then ‘pag tingin mo sa bintana may mga lobong lilipad na may message na “good morning my most beautiful one!”. Exaggerated 'yan sorry. Pero, hindi ko sinasabing wala dapat ganyan or hindi pwede yan. Pero ulit... naman..  huwag naman sana i-expect yan every day or every week. Huwag naman sa tuwing magkikita kayo dapat may production number. 

I think sometimes kaya nagkaka-problema ang isang relationship is that some girls expect a ‘Princess Treatment’ too much almost all of the time from their boyfriends. Magkaiba ang ‘effort’ sa babae keysa sa lalake. Hindi porke hindi napagod or hindi nahirapan si lalake ay hindi na siya nag-effort. Hindi rin porke ni-rush niya ay hindi na effort. Ang hirap kaya mag-cram! Minsan binigyan mo na nga flower sa Valentines ang comment pa, “Hmp! kung hindi pa nag-Valentines hindi pa ako makakatanggap ng flowers from you”. Pambihira! Araw-araw may flowers? Gusto mo rin ba ipagtayo ka ng altar at ipagtirik ka ng kandila? Sagarin na natin para mas effort talaga.

Sa babae kasi, effort kapag pinag-planuhan, matagal na pinag-isipan at bongga. Sa lalake hindi ganun. Effort para sa mga lalake ang diskarte. Achievement para sa amin ang ma-solve namin ang isang bagay na mahirap. Kapag ang mahirap ay napadali namin, yun ang effort. Eh minsan, kung anu-anong diskarte na ginawa namin wala man lang appreciation.

Kung tutuusin hindi madali ang role ng lalake sa relationship kung effort, sacrifice at hirap din lang ang pag-uusapan. Sino ba ang nagiging taga-sundo kapag naging magsyota na? Automatic ‘yan kailangan kasama na sa schedule ng boys ang hatid-sundo. At kapag nag-fail ka ng minsan parang ikaw na ang pinakamasamang boyfriend sa buong Milky Way. Kung tutuusin, nakakauwi ka naman mag-isa noon nung single ka pa, tapos ngayong nagka-boyfriend ka lang hindi mo na alam umuwi sa inyo. Huwag mong idahilang delikado, bakit nung single ka pa hindi delikado? Ba’t ngayon lang naging delikado? Paminsan-minsan naman bigyan mo ng off yung boyfriend mo sa pagsundo, gusto rin niyan mabuhay ng normal kahit papano. Tingnan mo mas magiging creative 'yan sa pagiging sweet sa'yo. Kasi hinahayaan mo siyang dumiskarte.

Eto pa, sino ba ang mas madalas gumastos sa mga date? Kaninong barkada ba ang dapat mag-adjust? Di ba sa side ng lalake? At kapag nag-away sino ba ang sumasalo ng sampal, kurot at dagok? Miski sa lambingan, sino ba ang kinakagat, kinukurot at sinasabunutan? Tapos sasabihin niyo wala man lang ka-effort effort. Huh? We live a life closer to the grave everytime we are with you [this is an overstatement again, pampasaya lang, hehe]. Baka nga may skin cancer na kami sa mga kurot niyo. Baka nga may natanggal ng turnilyo sa utak namin kakadagok niyo. And then you have the guts to say, “wala man lang ka-effort-effort”. Come on!

Think again. Hindi ‘Knight in Shining Armor’ ang boyfriend mo. Hindi rin siya superhero napapagod din yan , gusto rin niyan makipag-kwentuhan sa barkada niya. At hindi ka rin prinsesa, hindi lang ikaw ang pwedeng maging source ng kaligayahan niya marami pang ibang bagay. At kung sumasaya rin siya sa ibang bagay o tao hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na niya mahal o hindi na siya liligaya sa'yo. Of course, pinakamasaya siya 'pag kasama ka kaya lang dapat pwede rin siyang sumaya sa iba [siyempre hindi sa ibang prinsesa, ibang usapan na 'yan]. Hindi mo kabawasan 'yon pag sumasaya siya ibang bagay. So stop expecting too much from him. Graduate-an mo na yang princess-mentality mo.

I'm not generalizing. I'm not saying all girls are immature and all guys are infallible. I'm just saying that in this particular issue or area, SOME girls have to grow. Now there are areas (maybe mas marami pang areas kaysa sa mga girls) na dapat mag-grow ang mga lalake. But that's another issue.

Going back, let me say that again... 'hindi ka prinsesa at hindi knight in shining armor ang boyfriend mo'. Don’t get me wrong, we want to treat you like a princess and in fact we are treating you like a princess, we love doing it… pero kung hindi niyo nararamdaman ‘yon, hindi na namin problema ‘yon. Kung hindi man kami pasado sa pagsusulit na ‘yan, eh dahil siguro kasi hindi kami expert. Sino ba ang nakakita na at nakakilala na ng tunay na prinsesa? Sino ba ang nakaka-alam kung paano dapat iturin ang isang prinsesa. At sino ang nagsabing yung iniisip ninyong treatment ay ang siyang standard na treatment para sa isang prinsesa? Nakasalamuha ka na ba isang prinsesa? Kaya hayaan mo na lang yung boyfriend mo na iturin kang prinsesa sa paraang alam niya at hindi sa paraang alam mo o sina-suggest ng mga fairy tales o movies.

Grow up. Be INDEPENDENTLY in a relationship AND don’t expect too much from your love story. Live life and let live. Sige ka, baka hindi maging ‘happy ever after’ yang ending mo. Ay si-ya! J